Apat na classic Pinoy dish ang kasama sa listahan ng 2023 “100 Worst Rated Foods in the World” ng sikat na online food guide na Taste Atlas.
Ayon sa listahang inilathala sa Facebook page ng Taste Atlas, ang kinalas, isang noodle soup mula sa rehiyon ng Bicol, ay nasa ika-17 puwesto na may 2.4 na ranggo.
Samantala, ang sikat na breakfast meal hotsilog ay nasa numero 36 na may 2.6 na ranggo.
Inilarawan ng online food guide ang kinalas na inihahain sa “shrimpy, garlicky brown gravy consisting of dried shrimps, vinegar, garlic, shallots, soy sauce, and fish sauce.”
“The dish is always served hot, and its name is derived after the Bicolano word kalas, meaning to remove the meat from the bones,” sabi nito.
Ang Hotsilog ay nailalarawan bilang ilipino-style hot dogna "pula at makatas, kadalasang may hiwa sa gilid" na ipinapares sa fried rice, at piniritong itlog.
Dalawa pang pagkaing Pinoy ang makikita sa listahan ng Taste Atlas sa kanilang website — balut, ang kakaibang delicacy ng Pinoy, na nakakuha ng ika-9 na pwesto, at Filipino spaghetti sa ika-81 na puwesto.
Inilarawan ng Taste Atlas ang balut bilang isang "tanyag, bagaman hindi pangkaraniwang delicacy ng Filipino, na inihain saanman mula sa mga stall sa kalye hanggang sa mga marangyang restawran."
“It is considered an aphrodisiac that is commonly paired with a cold beer on the side. The dish can be seasoned with chili, garlic, vinegar, salt, lemon juice, ground pepper, and mint leaves,” dagdag nito.
Itinampok ng Taste Atlas ang matamis na spin ng Filipino spaghetti sa mga classic na spaghetti dish.
“Today, the inexpensive meal is known as the one that unites families, and is consumed by both poor and rich people,” mababasa sa website.
Tungkol sa kanilang pamamaraan upang matukoy ang mga resulta ng kanilang listahan, dati nang sinabi ng Taste Atlas na binibilang lamang nito ang mga average na boto ng mga rating na ini-input ng mga tao para sa bawat pagkain sa kanilang database.
“We are a site dedicated to local dishes and have a database of 15,00+ dishes and ingredients. Throughout the year, people rate those foods (no cuisines) in our database…At the end of the year, we take the average of the best-rated [or worst-rated] dishes in each kitchen,” sabi ng Taste Atlas sa isang serye ng mga tweet noong Dis. 24, 2022.
“Some votes are recognized by our system as invalid (eg nationalist votes: people from one country give high marks to their dishes and low marks to their neighbors. We don’t count such votes), dagdag nito.
Khriscielle Yalao