Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga karaniwang traffic violations maging ang karampatang multa ng mga ito na kasama sa Single Ticketing System na ipinasa ng Metro Manila Council.

Ayon sa anunsyo ng MMDA sa kanilang Facebook post, ang multa para sa bawat traffic violation ay mula ₱500 hanggang ₱10,000 depende sa bigat ng paglabag.

Magmumulta ng ₱500 ang mga motoristang lalabag sa number coding scheme, tricycle ban, at arogante o walang galang, habang aabot naman sa ₱1,000 ang multa ng pagbabalewala sa traffic signs, illegal parking attended, obstruction, overloading, defective motor vehicle accessories, loading at unloading, overspeeding, at hindi paggamit ng seatbelt.

Tinatayang ₱2,000 naman ang magiging multa ng mga lalabag sa illegal parking unattended, light truck ban at unauthorized modification, habang ₱3,000 naman ang magiging multa para sa truck ban.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magkakaroon naman ng first hanggang third offense ang mga ilang mga traffic violations, ayon sa MMDA. Para sa reckless driving, ₱1,000 ang magiging multa sa first offense, ₱2,000 para sa second offense at ₱2,000 na may kasamang seminar sa third offense. Ang multa para sa paglabag sa dress code ng mga motorista ay mula ₱500, ₱750 hanggang ₱1,000, habang mula ₱2,000 hanggang ₱5,000 naman para sa illegal counterflow.

Magmumulta mula ₱1,000, ₱2,000 hanggang ₱5,000 ang hindi gagamit ng child restraint system (CRS), habang mula ₱1,000, ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa paggamit ng substandard CRS.

Samantala, mula ₱1,500, ₱3,000, ₱5,000 hanggang ₱10,000 ang multa para sa mga motoristang hindi gagamit ng motorcycle helmet, habang mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 naman sa mga may gumamit naman ng helmet pero walang ICC markings.

Para naman sa paglabag sa Children’s Safety on Motorcycles Act, ₱3,000 ang multa para sa first offense, ₱5,000 sa second offence at ₱10,000 para sa third offense.

Ayon sa MMDA, inaasahang maipapatupad ang Single Ticketing System sa darating na buwan ng Abril.