Matapos ang pagsabog na ni Pokwang ukol sa totoong naging pinagdaanan sa naging relasyon sa dating asawang si Lee O’Brian, to the rescue naman ang mga kaibigan at fans ng komedyante para damayan at suportahan ito.

Basahin: Pokwang, nagsalita na hinggil sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: ‘Pakiramdam ko, di niya ako minahal!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos ang emosyonal na panayam kay “King of Talk” Boy Abunda nitong Biyernes, kung saan buong tapang at katotohanan nang inilahad ni Mamang Pokie ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni O'Brian, agad na bumuhos ang suporta ng mga kaibigan para sa kaniya.

Basahin: Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isang Instagram post nitong Biyernes, kalakip ang mga larawan ng dalawang anak ang tampok sa makahulugang mga salita ng komedyante.

“Done!!! I’ts time to fly high and be happy again with my true Love 😘💗❤️” anang komedyante na sinundan pa ng #restartournewlife, at #behappyagain.

Sa naturang panayam, bagaman aminadong mahal pa rin ang dating asawa, desidido na ngayon si Pokwang na talikuran na si O’Brian at pagtuunan na lang ng pansin ang mga anak.

Ilang kapwa celebrities at kaibigan sa industriya ang nagpaabot ng suporta at pagmamahal sa Kapuso comedian.

“We love you Mamang! Isa kang mabuting ina at tao!❤️” komento ni Rabiya Mateo sa co-host at kaibigan sa parehong IG post.

“Mamang Alabyu!! ❤️” pagpapaabot din ng pagmamahal ni Kapuso young star Jon Lucas.

Ilang heart emojis naman ang iniwan sa parehong post nina Geneva Cruz, Vina Morales, Gab Valenciano para ipaabot ang pagmamahal kay Mamang Pokie.

“We love you mamangggg,” sey rin ni Faith Dasilva.

Hindi rin binigo ng kaniyang fans ang komedyante na kaniya-kaniya ring pinaramdam sa ina ang pagmamahal online.

“Aja!!! Life is so much better if we just focus on the things that make us happy. Make your children your priority more than anything else and blessings will pour Into your life. No woman deserve a man that just causing us pain and suffering. You deserve so much better as you have a wonderful heart. God bless po. #singlemumsrock” komento ng isang fan.

“Isa lang nawala sau at d cya worth para sau at May mabuti kang puso más bbgay ni GOD ang karapat dapat sau tibayin mo loob mo kapit Lang sa taas at sa 2 mong anak 🙏🏻”

I feel u mamang ganyan din ako noon, tinatakpan ko ang ama ng anak ko sa magulang ko para lang maging ok ang lahat... Dmi ko iyak pero now, tinatawanan ko nlang... Happy being single mom, working for them... Pasyal lang gagawin kung ano gusto gawin na walang kumukwestyon saakin... THANK U LORD, IM FREE YES IM FREE🙏🙏”

“Wag nyo na i bash si mam pokwang dapat pala mas mahalin pa natin siya mahirap sa isang nanay yun...mas mahalin pa natin siya at support para madami siyang maging project para sa mga anak at pamilya na support niya!”

“Hindi kawalan ang isang mangagamit na kagaya ni Lee. Your a hard working women na kayang buhaying ang mga anak. Its his lost makahanap man siya na kapalit at gagamitin din niya uli at alam mo yon at para ipakita saiyo at saktan ka. Huwag kang iiyak kasi Lee is manipulative . He think he better than anybody. You can find a better man that will love you not use you! We are here to support you as a fans . Im a single mom as well with 4 children. You can do it. He just another waste of your time!!”

“Be thankful that he is gone and you found out kung ano kayo sa kanya…let him go and his baggages…you and your daughter deserve better…sending love ❤️❤️❤️”

“Happy for you idol hindi mo deserve ang treat ni afam sayo grabe pag take advantage nya sayo sana pakawalan muna love u idol pokwang! ❤️”

Umabot na sa mahigit 39,000 likes ang naturang Instagram post ni Pokie sa pag-uulat.