Tila may concern si dating Comelec commissioner at P3PWD party-list nominee Rowena Guanzon sa planong pagbuo ng Water Resource Management Office (WRMO) na inanunsyo ng Malacañang kamakailan.
Ani Guanzon, mukhang marami umanong "incompetent cronies" o kaalyado ng pangulo ang nakapila para sa mga katungkulang nakapaloob dito.
"They might pack this Office with incompetent cronies. Dami nakapila," ani Guanzon na kilalang kritiko ni Pangulong Bongbong Marcos noong kampanya pa lamang sa halalan.
Hindi naman tinukoy ni Guanzon kung sinong cronies ang kaniyang inilalarawan bilang "incompetent."
Ayon sa Palasyo, ang WRMO ang mangangasiwa sa lahat ng water resources sa bansa. Ito ay mapapasailalim ng Department of Environment and National Resources o DENR.