Target ng Ginebra San Miguel na maitala ang unang panalo sa pagsabak nito sa PBA Governors' Cup laban sa Rain or Shine (ROS) sa Araneta Coliseum sa Cubao sa Pebrero 5.

Ito ay matapos ang 20 araw na pahinga ng Gin Kings mula nang maiuwi ang kampeonato sa Commissioner's Cup laban sa guest team na Bay Area Dragons nitong Enero 15.

Tiniyak naman ni Ginebra head coach Tim Cone na handa na ang koponan sa naturang laban.

Sunud-sunod ang pagkatalo ng Rain or Shine kaya bumagsak sila sa 0-3 record.

Probinsya

Grade 10 student, ginilitan jowang 14-anyos na babae matapos hindi makaiskor?

Nauna nang inamin ni ROS coach Yeng Guiao na mahirap talunin ang Ginebra.

Isa aniyang milagro sakaling matalo nila ang Gin Kings sa Linggo.

Huling natalo ng Elasto Painters ang Ginebra, 93-71, sa Commissioner's Cup noong Setyembre 28, 2022.