Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang dating Kapuso actress na si Jennica Garcia na nagte-trending ulit siya sa social media dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa teleseryeng "Dirty Linen."

Umpisa pa lamang ng pilot week ay isa si Jennica sa cast ng serye ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na pinupuri ng mga netizen, lalo na ang "mata-mata school of acting" nila ni Janine Gutierrez at iba pang kasama rito.

Mas lalo silang humanga kay Jennica dahil inamin nitong siya mismo ang lumapit at nakiusap kay Dreamscape Unit Head Deo Endrinal na bigyan siya ng trabaho dahil siya ang bumubuhay ngayon sa kanilang mga anak ng estranged partner na si Alwyn Uytingco.

Naging maganda naman ang pagtanggap ng Kapamilya viewers kay Jennica, kaya masayang-masaya ang aktres na anak ni Jean Garcia dahil ito ang una niyang teleserye sa ABS-CBN.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Talaga namang pinag-usapan ang pagsasayaw niya sa isang cabaret bilang si "Lala."

"Until now, I couldn't believe that this 45 seconds clip caused my name to trend on Twitter. Thank you everybody, ibang klase ang suporta n'yo."

https://twitter.com/planetjennica/status/1618505745963810818

Nagpasalamat din siya sa pag-aalaga at paggabay sa kaniya ng direktor nilang si Andoy Ranay.

"Buti na lang you trusted me on this. Bravo hija!" ani Andoy.

Niretweet naman ito ni Jennica at nagpasalamat.

"Maraming salamat po direk. Dahil sa alaga at direksyon n'yo po ito. Maraming salamat po."

https://twitter.com/planetjennica/status/1618515869038149636