Pinangunahan ng small forward na si Allein Maliksi ang pagdurog ng Meralco sa Blackwater Bossing, 125-99, sa PBA Governors' Cup sa Ynares Center sa Antipolo nitong Sabado.

Humakot si Maliksi ng 30 puntos kung saan sumuporta rin sa kanya siAnjo Caram sa naipong 18 markers, tampok ang 16 nito sa first half, na nagbigay ng bentahe sa koponan, 67-50.

Nag-ambag sa Bolts si KJ McDaniels sa nakuhang 24 puntos, na sinegundahan ni Norman Aaron Black na kumubra ng 19 puntos.

Dahil sa pagbabalik sa winning column, hawak na ng Bolts ang tatlong panalo sa apat na laro.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur