NUEVA VIZCAYA -- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang 'drug-free workplace' ang 11 police units at offices sa probinsya.
Ayon sa ulat, unang naideklarang drug-free ang provincial office noong Nobyembre 23, 2022.
Ngayong Pebrero naman, idineklarang drug-free ang Solana Police Station.
Ang iba pang police stations na nagpasa ng PDEA requirements for declaration ay ang Bayombong, Kayapa, Quezon, Dupax del Norte and Sur, Sta Fe, Kasibu, Bagabag at Villaverde.
Isa sa mga mahalagang requirement ng PDEA ay magkaroon ng drug testing sa bawat police units.