Ipade-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong illegal recruitment at pamemeke ng kasal sa mga Pinay matapos dakpin sa Maynila nitong Biyernes.

Paliwanag ni BIR Commissioner Norman Tansingco, nasa kustodiya na nila si Amano Mototaka, 50, habang inaasikaso pa nila ang dokumento nito para sa kanyang deportasyon.

Sa ulat ng BI, natiyempuhan ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng ahensya si Mototaka sa Arellano Avenue, Sta. Ana, Maynila nitong Enero 30.

Sinabi ni Tansingco, tumakas si Mototaka sa Japan matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte sa Nagoya noong Setyembre 30, 2022 sa kasong pamamalsipika ng dokumento para sa kasal ng mga Pinay na naghahangad na makakuha ng long-term resident visa sa Japan.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Bukod dito, nahaharap din si Mototaka sa kasong illegal recruitment dahil sa pangangalap umano nito ng mga Pinay upang magtrabaho sa kanyang iligal na entertainment bar.

Philippine News Agency