Kinakyutan ng maraming netizens ang viral throwback video ni Kapuso star Julie Ann San Jose sa kaniyang performance sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noon pang 1998.

Lingid sa marami, naging finalist pala ng Metro Manila ang talented noong chikiting at “Little Mara Clara” sey ng netizens.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

In-upload pa noong 2020 sa Facebook page ng Eat Bulaga, binabalik-balikan ngayon ng netizens ang tawang-tawang si Julie Ann habang kinakanta ang Whitney Houston hit na “I Wanna Dance with Somebody” sa kaniyang performance.

Bilib na bilib ang marami sa fans ng multi-talented na Kapuso artist na sa murang edad ay mahahata na ang talent sa pagkanta.

“Cute cute..ilang beses ko inuulet. Hehe. Nakaka good vibes c Clarita,” komento ng isang netizen.

“Pinanganak na talaga si Julie na performer, ang galing at masayahin,❤❤❤” segunda ng isa pang fan.

“Cute niya💓💓💓maliit pa lang may boses na at di siya sintunado!”

“Sadyang bungisngis na pala si Julie, cute cute mo til now🤗!”

“Ang cute. Maliit pa singer na. Kaya ng naging dalaga magaling na singer at artista.😊

“Wow wow ikaw pala yan every monday tuesday wenesday thursday friday saturday Little Miss Philippines ang cute cute naman yarn! 💖

“Super cute at talented siya talaga!”

“Ang cute, pati ako tawang tawa. Magaling na talaga kumanta kahit tawa ng tawa❤!”

“So cute and talented😍❤️born to be Asia's Pop Superstar.”

“Halos karamihan talaga Ng singer nahubog SA Eat Bulaga Ng kabataan nila!”

Umabot na sa mahigit 216,00 reactions at 7.8 million views ang viral video sa pag-uulat.