Hindi pinalagpas ng “madlang pipol” ang 'di umano’y pambabastos ni Vice Ganda sa co-host nitong si Karylle sa “Kantambayan” segment ng It’s Showtime na umere Huwebes, Pebrero 2.

Sa isang video na kumakalat sa Twitter, makikitang isinusumbong ni Karylle ang naging preparasyon ni Vhong Navarro para sa karaoke session ng noontime show, ngunit hindi ito natuloy dahil ibinigay raw ni Vice ang kantang pinraktis ni Vhong sa iba.

“Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse siya sa umaga, tapos binigay mo sa iba yung kanta niya," ani Karylle.

"Anong problema natin, Karylle?," sagot naman ni Vice.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

"Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya," paliwanag ni Karylle.

"O, e, di sana kinanta mo,” tugon ni Vice kay Vhong.

"Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis niya," dagdag pa ni Karylle.

"O, okay na yan, Karylle,” saad ni Vice sa kanya.

https://twitter.com/eiaevia/status/1621020198508847104?s=46&t=QsDqm8QUprYxQy9hjcyRcg

Normal na ang asaran at kulitan sa noontime show, ngunit hindi ito nagustuhan ng ilang fans partikular ang fans ni Karylle. Anila, hindi nito deserve ang ganitong pagtrato at tila halos maitsapuwera na sa programa lalo na't isa raw ito sa mga orihinal at resident host ng “It's Showtime.”

May mga kumukwestyon din sa kakaunting exposure umano ni Karylle dahil sa pagpasok ng mga bagong host na sina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, mga kaibigan ni Vice na sina MC at Lassy, maging ang partner nito na si Ion Perez.

“I’m sorry but I don’t see the point of adding Cianne, Jackie, Ion, MC, Lassy, Kim Chiu sa Showtime. Like I know ka-close sila ni Vice but giving them MORE exposure than OG showtime hosts like Karylle….that has been on the show for about 13 YEARS just seems so UNFAIR,” lahad ng isang netizen.

https://twitter.com/jeanjaeee/status/1621074374685257729?s=46&t=QsDqm8QUprYxQy9hjcyRcg

Sa gitna ng diskusyon sa Twitter, tila naki-eksena naman ang dating host ng “It’s Showtime” na si Kuya Kim Atienza nang mag-tweet ito.

"@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle,” aniya.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1621069811139895297?s=46&t=k0zf_3Bgj9z0mkaJPZQ9IA

Samantala sa kanyang latest tweet, mukhang natauhan naman ang Unkabogable Superstar sa kanyang mga nagawa at nasabi kay Karylle.

“Oh so I am being called out. Yes I acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away,” saad niya.

https://twitter.com/vicegandako/status/1621147791593721856?s=46&t=UoyXNicle8fiJAca-NMgvw

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Karylle patungkol sa isyu, at inaabangan ng netizens ang magiging eksena sa pag-ere ng noontime show mamaya.