Marami ang humanga sa post ng tubong Baguio City na si Sheila Paren, 33-anyos at naninirahan ngayon sa bansang Estonia, tampok ang kaniyang ipinintang namumulaklak na mapa ng Pilipinas.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Paren nagsimula siyang manirahan sa Estonia noong 2019 kasama ang pamilya. Kaya naman tuwing namimiss niya ang bansang sinilangan, nagpipinta raw siya ng mga bagay na magpapaalala sa kaniya ng Pilipinas.

“[It is] inspired by the Flower Festival of Baguio City and I always wanted to create something that will remind us of home no matter where we are,” aniya.

Ayon kay Paren, ‘Mamukadkad ka, Pilipinas’ ang pamagat ng kaniyang ipininta, at bawat bahagi nito ay may katumbas na simbolismo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang nasabing floral map daw ay gawa sa acrylic/mixed media na may kasamang illusion ng perlas. Sinisimbolo raw nito ang Pilipinas sa kabuuan dahil kilala ito bilang “The Pearl of the Orient Seas.”

“Water droplets symbolizes tears of joy but also sorrow, typhoons, and one of the essential part of living,” saad pa ni Paren.

Ang nasabing painting din daw ay sumisimbolo ng pag-asang makikita rin ang pamumukdakad o progreso ng bansang Pilipinas.

Nasa tatlong linggo hanggang isang buwan daw ang inabot ni Paren bago matapos ang nasabing obra.

Nang i-post niya ito sa Facebook group na ‘Guhit Potato’, masaya raw si Paren na marami ang humanga rito.

“It’s an overwhelming feeling of happiness and gratitude po na maraming nakaka-appreciate ng mga gawa ko lalo na po when they understand the meaning of the painting,” aniya.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 1,000 reactions at 96 shares ang naturang post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!