Pinayuko ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Hotshots, 93-85, sa PBA Governors' Cup sa Ynares Center sa Antipolo City nitong Biyernes ng gabi.

Bumandera si Roger Pogoy sa Tropang Giga sa nasungkit na 20 points, limang rebounds, tatlong assists at tatlong steals.

Nakakuha ng pagkakataong palakihin ng TNT ang bentahe sa huling bahagi ng laban hanggang sa maiuwi ang panalo.

Hawak na ng TNT ang rekord na 3-1 matapos pataubin ngNLEX, 110-108, nitong Pebrero 1.

Probinsya

Driver na nakabangga sa 23-anyos Cebuano businessman, nagpiyansa ng ₱72k

Sa panig ng Magnolia, kumolekta ng 24 points si Paul Lee, at tig-12 points naman sina Eric McCree at Calvin Abueva.