'Are you the one for the crown?'

Pinalawig pa ang deadline ng aplikasyon para sa Miss Universe Philippines 2023.

Ito ay inanunsyo ng Miss Universe Philippines sa social media pages, at sinabi na tumatanggap sila ng mga aplikasyon hanggang February 14.

Matatandaan na nauna itinakda ng organizers noong Enero 29 at Pebrero 5 ang deadline ng aplikasyon.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

"The journey to the crown has only just begun and is still within your reach."

"The deadline for submission of applications has now been extended to FEBRUARY 14."

Magaganap naman ang physical screening sa Pebrero 13 at final selection sa Pebrero 15.

"Begin your phenomenal journey to the crown. Apply now!"

Eksaktong Pebrero 14, 11:59 ng gabi magsasara ang aplikasyon para sa susunod na kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe.