Isang 15-anyos na batang lalaki ang nalunod sa ilog malapit sa Alat Bridge sa Barangay 185, Malaria, Caloocan City noong Huwebes, Pebrero 2.

Sinabi ng Caloocan City Police Station (CCPS) na nangyari ang insidente dakong alas-3 ng hapon. nang lumalangoy sa ilog ang biktima na isang Grade 9 student kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sinabi ni Cpl. Karl Piggangay ng CCPS Intelligence and Detective Management Section (IDMS) – North, imbestigador sa kaso, na ayon sa mga kaibigan ng biktima, pumunta umano siya sa gitna at mas malalim na bahagi ng ilog kung saan siya nalunod.

Agad na nagtungo sa ilog ang isang construction worker na si Leonardo Lizardo, 45, matapos marinig ang paghingi ng tulong ng mga bata.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sinabi ng imbestigador na sumisid si Lizardo sa ilog upang iligtas ang biktima ngunit nahirapan siyang hanapin ito.

Patay na ang binatilyo nang matagpuan siya ni Lizardo, sabi ng pulisya.

Bandang alas-4:10 ng hapon ay iniulat sa IDMS ang insidente sa parehong araw.

Sinabi ni Piggangay na sinabihan ng biktima ang kanyang ina na pupunta lamang sila sa bahay ng isang kaibigan kapag umalis ito ngunit hindi binanggit sa kanya na maliligo sila sa ilog.

Ang insidente ay nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon, dagdag niya.

Aaron Homer Dioquino