Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Pebrero 3, ang pansamantalang pagsasara ng dalawang daan sa Metro Manila dahil sa isasagawang road reblocking at repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng MMDA, magsisimula ang road closure mamayang alas-11:00 ng gabi sa mga sumusunod na lugar:

Lanuza Avenue corner C-5 Road Barangay Ugong sa harap ng Casa Verde Townhomes Gate – Alternatibong ruta: Meralco Avenue, C-5 at Lanuza Avenue St., Martin St., Capt. Javier St.;

at Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) patungong North Luzon Expressway (NLEX).

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Bubuksan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Pebrero 6, dakong alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan naman ng MMDA ang mga motoristang tahakin ang mga alternatibong ruta upang hindi maabala habang inaayos ang mga nasabing daan.