Kasabay ng pagbubukas ng buwan ng pag-ibig, hindi nagpahuli sa pagpapakilig ang singer na si Zack Tabudlo matapos nitong mag-“jowa reveal” sa kaniyang TikTok account.
Sa nasabing “jowa reveal” video, makikita si Zack na may inabot at hinalikang kamay na siyang ginamitan niya ng background music na “Snooze” ni SZA.
Kaniya-kaniya namang hula ang netizens kung kaninong kamay ang hinalikan ni Zack.
“Kamay ata yan ni ate Moira dela Torre ehh,” komento ng isang netizen.
"pag si moira to, magwawala talaga ako zack."
"MOIRA! Seeeeesh!!!!!"
"zack and moira for the win"
Matatandaang noong nakaraang taon nang unang magsama sina Moira at Zack, dahilan upang maugnay ang dalawang hitmakers sa isa’t-isa.
Nagkaroon pa nga ng awitin ang dalawa na may pamagat na “Iba,” kung saan humataw ang streams kaya naman parehong pasok ang dalawa sa “Most Streamed Artists” list ng streaming platform na Spotify.
Bagama’t parehong tikom ang bibig ng dalawa sa pagli-link sa kanila, hindi maitatanggi na may chemistry sila lalo pa’t parehas na may mga sapul-sa-pusong-awitin sina Moira at Zack.
Samantala, umani na ng mahigit 1.3 million views ang “jowa reveal” video ni Zack sa TikTok at tila maraming nag-aabang part 2 nang matapos na ang mga espekulasyon ng netizens.