Matapos ang pagbabalik-Kapuso ng aktres na si Sunshine Dizon ay agad naman itong sumabak sa taping ng inaabangang megaseryeng “Mga Lihim ni Urduja.”
Sa kaniyang latest Instagram post, masayang ibinahagi ni Sunshine ang mga larawan niya mula sa taping.
“Guess our smiles says it all! From TGIS to another homecoming,” aniya.
“Thank you for today Nanay Mona, Direk Dom, Direk Aya and Dino,” dagdag pa niya.
Tatayong direktor sa nasabing teleserye si Dominic Zapata, na siyang unang naka-trabaho na ni Sunshine sa ‘90s show na “TGIS.”

Samantala, inilabas na ng GMA ang unang patikim nito sa bigating teleserye.
"Kapag nabuo mo ang mga hiyas ni Urduja, mabubuo mo rin ang pagkatao mo."
Paparating na ang mythical primetime megaserye ng taon! Ilalahad na ang #MgaLihimNiUrduja!”
Makakasama ni Sunshine ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez na gaganap bilang isang warrior princess, Kylie Padilla bilang isang pulis, at si Gabbi Garcia bilang isang alahera na nagngangalang Crystal.
Pasok din sa cast ang beteranang akrtres na si Gina Pareno, Michelle Dee, Pancho Magno, Vin Abrenica, Kristoffer Martin, and Ara San Agustin.
Noong 2021 ay napanood sa "Marry Me Marry You" si Sunshine, na kauna-unahan niyang appearance sa Kapamilya Network.
Iginiit ni Sunshine na isa siyang freelance artist at puwede siyang magtrabaho sa kahit na alinmang TV network. Kung gusto rin niyang huwag magtrabaho ay kakayanin din niya.

Eere na ngayon buwan ang “Mga Lihim ni Urduja” sa GMA Network na sinasabing hahalili sa hit teleseryeng “Maria Clara at Ibarra.”