Nanawagan ang Quezon City General Hospital (QCGH) sa mga kamag-anak ng namatay na dating Ginebra player na si Terry "Plastic Man"Saldaña nitong Pebrero 1.

Sa kanilang Facebook post nitong Miyerkules ng gabi, umapela ang QCGH-Medical Social Services Department sa pamilya ni Saldaña na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kaugnay sa pagkamatay ng dating PBA player nitong Miyerkules.

Sinabi ng QCGH, isinugod sa ospital siSaldaña nitong Enero 25 at na-admit nitong Enero 28.

Ipinostdin ng ospital ang ID niSaldaña upang madaling makilala ng kanyang kamag-anak.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

"Sa sinumang makakakilala sa pasyente o sa kanyang kapatid (Maria Gina Saldaña), maaari pong makipag-ugnayan sa Quezon City General Hospital-Medical Social Service kay Carlo Teologo, Medical Social Worker o tumawag sa 8863-08-00 local 112/113 o sa numerong 0917 830 8324. Maraming salamat po," ayon pa sa panawagan ng ospital.

Nauna nang naiulat na binawian ng buhay si Saldaña dahil sa sakit sa kidney.