Mukhang may paalala para sa kaniyang sarili si Kapuso comedy star-TV host Pokwang kung saan mas palaban na niyang haharapin ang kaniyang mga pinagdaraanan sa buhay, para sa kaniyang mga anak.
Ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram account ang kaniyang litrato na may text caption na "Wipe your tears, kick their asses!!"
Sa kaniyang caption naman sa mismong Instagram post ay sinabi ni Pokwang na marami pa siyang "labada" at kailangan niyang bumangon at magpatuloy bilang isang nanay.
"Bangon nanay ka at marami ka pang labada… labada para sa ikauunlad ng pamilya #laban," ani Pokwang.
Nagbigay naman ng reaksiyon dito ang mga kilalang celebrity gaya nina Giselle Sanchez at Melissa Mendez.
"Ganda mamang," sey ni Giselle.
"Hugs," pahayag naman ni Melissa.
Maging ang mga netizen ay nagbigay ng moral support para kay Pokwang.
"True, I'm proud single mum of 2, helper sa ibang bansa, with God Grace matatapos na panganay ko this year, si bunso 1st yr college naman."
"You are so blessed Mamang because you are a good person. Definitely his loss, not yours."
"Basta andito kami para sa'yo, mamang. We love the sunud-sunod na pasabog wahahaha!"
Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ni Pokwang ang tunay na dahilan kung bakit niya "pinalayas" at hiniwalayan ang ex-partner na American actor na si Lee O'Brian.