May kakaibang promo ang isang home centre dahil bukod sa pera, tumatanggap aniya sila ng sibuyas bilang bayad sa bibilhing items sa kanila.

"Sibuyas as payment! 🧅," ayon sa Facebook page nito. Napag-alamang selected items lamang ang puwedeng mabili sa pamamagitan ng isang pirasong sibuyas.

"We are accepting cash, coins, and ONIONS as payment for our selected items!"

"1 onion = 1 JHC item," anila.

Human-Interest

Virtual Assistant na nag-alok ng ‘free of charge’ sa client, pinusuan

Gagamitin anila ang mga sibuyas para sa community pantry na nais nilang itayo.

"Japan Home Centre - Panay Avenue will accept an onion in exchange for your chosen product. Every customer has a limit of 3 item purchases only. All collected onions will be used in our community pantry."

"This promo is valid only on February 4, 2023. (Saturday)."

Sa kasalukuyan ay mahal ang presyo ng sibuyas, lalo na ang kilo nito.

Handa na ba ang mga sibuyas mo?