Pinuri ngayon ng netizens ang isang nursing student sa Cebu matapos tulungan ang isang fruit vendor na tinaga sa leeg ng kaniyang ka-live-in partner dahil umano sa selos.
Makikita sa CCTV footage na kumakalat online, tinulungan ni Angyl Faith Ababat ang duguan at nawawalan na ng malay na vendor sa kahabaan ng C. Padilla Street noong nakaraang Lunes, Enero 30.
Nagbigay naman ng pagsaludo ang University of Cebu (UC) sa kabaitan na ipinakita ni Angyl.
“Faith in humanity restored by one of our nursing students. Kudos! Angyl for the kind deed and genuity that you showed to people in need,” pahayag ng nasabing paaralan.
Ikinuwento naman ni Ababat sa UC, na nagpapasalamat siya na natutunan niya ang mga pangunahing kaalaman at lunas para sa sugat at nakatulong siya.
“At first, hesistant ako since there were a lot of pre-med or med students there, so I was hoping na sila mauunang tumulong sa ale. But no one responded, and when I saw nanay na magko-collapse na, I thought, hala kung wala tutulong sino naman? Kaya ako na ang nag respond. Thankful ako sobra sa mga RLE Clinical Instructors sa UC kasi they taught us the basics and especially sa wound care. And aside dun, meron din na mga trainings sa school na na-apply ko talaga,” paliwanag ni Ababat.
Nakatakdang bigyan ng pagkilala ng Cebu City Police Office si Ababat sa pagsagip sa buhay ng fruit vendor na kalaunan ay nakilala bilang si Bernadeta Zamora, 54 taong gulang.
--
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!