Nakaisang panalo rin ang Phoenix Fuel Masters nang dispatsahin nila ang NorthPort, 108-97, sa PBA Governors' Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Huwebes ng gabi.

Kumana si Jason Perkins ng 26 markers at pitong rebounds, katulong sinaDu'VaughnMaxwell na naka-26 points at RJ Jazul(15 points).

Muntik pang masayang ang 27 points na bentahe ng Fuel Masters matapos rumatsada ang Batang Pier at idikit ito sa lima, 92-87,7:13 na lamang sa final period.

Sa pagkakataong ito, kumayod muli ang Phoenix hanggang sa maiuwi ang panalo.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Kumolekta lamang ng 28 ang import ng NorthPort na si Marcus Weathers, habang sina Kent Salado at Art dela Cruz ay nakaipon lamang ng 15 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Tangan na ng Phoenix ang 1-2, panalo at talo, habang lumagpak naman ang NorthPort sa 0-4.