Masayang iflinex ng social media personality at komedyanteng si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ang naipundar niyang farm sa probinsya na pinangalanan niyang “Hinaguan.”

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Brenda na matagal na niyang pinag-iisipan kung ano ang puwedeng ipangalan niya sa lupaing nabili niya.

“Magandang umaga mga kaibigan, sa tagal ng aking pag-iisip kung ano ang ipapangalan ko sa farm na ito ngayon,finally naka-isip na ako. Since, ito ay mula pa sa pangarap ko na gusto kung bilhin noong bata pa ako. Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan, ngayong nabili ko na siya at inayos para maging farm, I decided to name it "HINAGUAN,” mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post noong Pebrero 1.

Dagdag pa ni Brenda na ang “hinaguan” ay mula sa bisaya word na ang ibig sabihin ay pinaghirapan o fruit of labor.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Aniya, “Hinaguan- it is a bisaya word of pinaghirapan o fruit of labor. Wala lang na-share ko lang.”

Sa hiwalay na post ni Brenda, makikitang abala rin siya at mga kasamahan niya sa pagsasaayos ng kaniyang farm. Mapapansin ding may mga palay at gulay ng tanim ang nasabing property ni Brenda.

Si Brenda Mage ay unang nakilala sa Ms. Q&A sa noontime show na “It’s Showtime!” kung saan umabot siya hanggang grand finals ng kompetisyon. Siya rin ay nanalo bilang 5th Big Placer sa huling edisyon ng reality series na “Pinoy Big Brother.”