Nasa₱3.58 bilyongbuwis ang hinahabol pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 74 kumpanya at indibidwal sa bansa.

Ito ang isinapubliko ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., sa isang television interview nitong Huwebes, kasabay ng paghahain nila ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga ito.

Hindi aniya tumugon ang mga nasabing korporasyon at indibidwal sa kanilang demand letter kaya napilitang silang kasuhan.

Nagbanta rin si Lumagui na kakasuhan na rin nila ang mga nagbebenta ng pekeng resibo at sigarilyo.

Sa ngayon aniya, pinaplantsa pa nila ang mga ebidensya para sa pagsasampa ng kaso.