Napa-wow ang mga netizen sa bagong mansyon ng pamilya Pacquiao na ipinatayo nila sa General Santos City.

Makikita ang mga litrato nito sa Instagram posts ni Jinkee Pacquiao.

Ang unang pasilip ay noong Enero 29 kung saan makikita ang swimming pool area sa kanilang mansyon na talaga namang yayamanin ang dating.

Jinkee, may sagot tungkol sa annulment rumors sa kanila ni Manny

Noong Enero 30 naman, ipinakita niya ang litrato ng ilang bahagi at lugar sa loob ng kanilang mansyon.

"Salamat Lord, hapit na gyud!" pahayag niya sa caption.

Sa isa pang IG post ay makikita naman ang litrato nila ng mister na si dating senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Sa likod nila ay makikita ang front view ng kanilang bagong home sweet home.

"Home is wherever i'm with you," ani Jinkee.

"By your side is where I want to be."

"I Love You, babe!"

Batay sa IG post na ito, nangangahulugang hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang inaasikaso ng dalawa ang kanilang annulment.