Nagbahagi ng litrato ang direktor ng "Martyr or Murderer" na si Direk Darryl Yap hinggil sa isang eksena kung saan makikitang magkasama sa isang hapag-kainan sina dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso at Ruffa Gutierrez, batay sa kanilang mga karakter bilang dating Senador Ninoy Aquino at dating First Lady Imelda Marcos.
Ibinahagi pa ni Yap ang isang lumang litrato ng orihinal na Ninoy at Imelda noong sila ay nasa New York daw, taong 1983.
"#MARTYRorMurderer carries the Beauty of the Ugliest Truth," aniya sa caption.
Marami naman sa mga netizen ang excited nang mapanood ang pelikula, na sinasabing iikot kina Ninoy, Imelda, at Ferdinand.