Nagdadalamhati na rin ang Barangay Ginebra San Miguel sa pagkamatay ng dati nilang manlalaro na si Terry "Plastic Man" Saldaña.

“Rest in Paradise, Terry Saldaña,” ayon sa Facebook post ng koponan.

Bukod sa koponan, naalala rin ni Ginebra coach Tim Cone si Saldaña noong naglalaro pa ito sa PBA.

“So sorry to hear about Terry Saldana’s passing. I remember him well in those Ginebra and Swift days. He was so hard to stop around the basket, and I’ll remember him for coming back from his gruesome injury,” ayon sa social media post ni Cone.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

“It took a lot of character to do that. NSD (never say die), Terry,” dagdag pa ni Cone.

SiSaldaña ay binawian ng buhay sa Quezon City General Hospital nitong Pebrero 1 dahil sa sakit nito sa kidney.

Naglaro siya sa Ginebra mula 1983 hanggang 1987 at mula 1997 hanggang 1998.

Noong 1986 at 1997 Commissioner's Cup, naiuwi ng koponan nito ang kampeonato, kung saan naging teammate nito si Robert "Sonny" Jaworski.

Tinagurian siyang "Plastic Man" dahil sa mga paikot na hang-time shots nito.

Dati rin siyang naglaro saToyota, Alaska, Swift, at Red Bull.