“CINDERELLA HAS ESCAPED THE ATTIC AND HAS COME TO CLAIM HER SANDAL!!! ”
Tapos na ang paghahanap kay Cinderella dahil nagpakita na umano ang nagmamay-ari ng kaliwang pares ng sandals na siyang naging trending post ng Public Order & Safety Division (POSD) – City of Baguio.
Ayon sa Facebook post ng POSD, kinuwento raw ng babae na bagong bili lamang niya ang sandals. Nang susuotin na raw niya ito sa unang pagkakataon, napansin niya na nawawala ang kaliwang pares nito.
Para mahanap ang kapares ng sandals, binalikan daw niya ang mga lugar kung saan siya nagpunta nang araw na nawala ito. Hanggang sa nang makarating siya sa mga tindahan sa Maharlika Livelihood Complex para ipagtanong ito, sinabi raw sa kaniya ng isang nandoon na baka ito ang may-ari ng “Cinderella” sandal na nag-viral sa social media.
Basahin: ‘A Cinderella Story?’ May-ari ng naiwang pares ng sandals, hinahanap na parang si Cinderella
“We've met her and she was a delight!” anang POSD, sabay hirit din na babalik si Cinderella sa kanilang opisina para sa final reveal.
“One thing we can reveal for now is that she is a strong and bubbly woman with a beautiful personality, just like Cinderella. ” pahayag nito.
Hirit naman sa comment section ng isa sa mga nag-aabang kay Cinderella:
“Waiting for the happily ever after.”
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!