Marami ang nabilib sa artwork ni Marvin Clamor, 23, mula sa Bacoor, Cavite tampok ang paboritong pelikula niya na “Avatar” gamit lamang ang oil pastel at oslo paper.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Clamor na tatlong araw ang ginugol niya para matapos ang nasabing artwork.

Bata pa lamang si Clamor ay pagguhit na raw ang isa sa mga nagbibigay ng kaligayahan sa kaniya.

Sa tuwing may problema daw siya, ginuguhit niya ang mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan sa kaniya, at doon ay gumagaan ang kaniyang nararamdaman.

Human-Interest

ALAMIN: May epekto ba ang kulay ng payong bilang proteksyon sa araw?

“Patuloy pa rin po ako sa pagguhit dahil sa mahal ko ang aking ginagawa at dahil na rin sa mga naniniwala sa aking kakayahan,” aniya. “Kahit minsan down na down na po ako, pero dahil sa kanila, patuloy pa rin po akong nagsisipag mag-drawing.”

Maging sa online world ay marami rin ang bumilib sa talento ni Clamor. Sa ngayon ay umani na ng mahigit 5,400 reactions, 150 comments at 165 shares ang naturang artwork na pinost niya sa Facebook group na ‘Kalma, Artist Tayo’.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!