Pinuri at pinasalamatan ni Roberta Ravelo ang ABS-CBN at JRB Creative Production sa muling pagsasabuhay ng iconic Pinay superhero na si "Darna", na para sa kaniya ay "the best" sa lahat ng bersyon nito.

“Talagang malaki ang ginawa ng ABS, malaking tulong. Talagang maganda ang pagkakagawa compared to others," pahayag ni Ravelo sa media conference para sa pagtatapos ng Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

“So far, 'yun ang the best, number 1 talaga 'yung Darna (ng ABS)."

Matatandaang bago ang pagbida ni Jane De Leon, nauna muna itong maging fantaserye sa GMA Network na pinagbidahan nina Angel Locsin (2005) at Marian Rivera (2009).

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Hangad din umano ni Roberta na magawan ng remake ang "Captain Barbell," "Lastikman," at "Dyesebel."

Napipisil niya umano si Daniel Padilla bilang bagong Captain Barbell at si Janella Salvador naman bilang Dyesebel, na siya namang "Valentina" sa magtatapos na Darna.