Instant milyonaryo ang isang residente sa Metro Manila matapos na solong mapanalunan ang mahigit sa ₱25.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 31-41-29-25-20-08 kaya’t naiuwi nito ang katumbas nitong jackpot prize na ₱25,490,659.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyiang lucky ticket sa Pateros.

Upang makubra naman ang kaniyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong identification cards.

Samantala, mayroon rin namang 38 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱24,000 na second prize para sa napanalunang tiglimang tamang numero.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.