Naghain ng isang resolusyon si Senadora Risa Hontiveros upang kilalanin ang husay ng aktres na si Dolly De Leon, matapos itong mapansin, ma-nominate at manalo sa ilang award-giving bodies, dahil sa kaniyang pagganap sa pelikulang "Triangle of Sadness."

Ayon kay Hontiveros, marapat lamang na kilalanin at bigyang-pugay si De Leon dahil siya ang kauna-unahang Pinay actress na napasama sa nominasyon sa Golden Globe Awards at British Academy Film Awards.

"Nakakaproud maging Pinoy! 🇵🇭✊🏼," ayon sa senadora.

"Dolly’s nominations show that Filipino stories, experiences, and talent have a place in the halls of prestigious award-giving bodies."

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

"What a joy to witness the world fall in love with a Filipino actor."

Noong Enero 23, nasungkit ni De Leon ang "Best Actress In A Supporting Role" sa 58th Guldbagge Awards sa Sweden. Ito ang katumbas ng Oscars sa naturang bansa.

Nagwagi rin siya sa parehong kategorya sa LA Film Critics Association Awards noong Enero 14.

Gumawa naman siya ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang Filipina actress na na-nominate sa 80th Golden Globe Awards sa Los Angeles, United States noong Enero 10 sa parehong kategorya, subalit nasungkit ang parangal ni Angela Bassett ng "Black Panther: Wakanda Forever."

Marami naman ang nagtataka kung bakit wala sa listahan ng mga nominado si Dolly sa Oscars gayong napansin na ito ng iba't ibang award-giving bodies.

Narito ang resolusyong inihain ni Hontiveros para kay De Leon:

Larawan mula sa FB ni Sen. Risa Hontiveros