Inilabas na ng VIVA Films, VinCentiments, at direktor na si Darryl Yap ang opisyal na poster ng "Martyr or Murderer," ang karugtong ng pelikulang "Maid in Malacañang" na ipinalabas noong Agosto 2022.

“..Ako ay Pilipino/Inilagay sa Oras ng Peligro/para maniwalang Bayani/ang mga Anino…” mababasa sa caption.

Mababasa rin dito ang "MAGPAKATAO BAGO MAGPAKABAYANI/HINDI TAYO BASTA KUNG SINO/TAYO ANG BAYAN.

"Wag BAYANI ang hanapin sa sarili, hanapin mo ang BAYAN."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"There is a Filipino Nation in all of us."

"Ikaw ang magdedesisyon, ikaw ang makakaramdam, walang may Monopolyo ng Katotohanan."

"Ikaw ang Kasaysayan."

Ibinida naman ng direktor na si Darryl Yap na ang poster ay ipininta mismo ng isang young artist mula sa Bukidnon. Ganito ginagawa ang mga poster at billboards ng pelikula noong hindi pa uso ang paggamit ng mga tarpaulin at large scale painting.

"IBALIK ANG MAKULAY NA KASAYSAYAN"

"SURIIN ANG NANILAW NA NAKARAAN."

"MAID IN MALACAÑANG (2022) #MIM official poster is the reimagination of Ralph Cowen’s masterpiece, the world famous Marcos Family Portrait admired during the 80s, made by a young visual artist from Laguna, Luiz Clet."

"MARTYR OR MURDERER (2023) #MOM official poster is a tribute to the Painters of Movie Billboards in the early 70s to 90s, (the timeline of our film), made by a young visual artist from the province of Bukidnon, Jhon Heart Delfin."