Tila hindi nagpatalo si Kuya Kim Atienza sa pa-'pandesal' ng mga Kapuso aktor na sina Jak Roberto at Jayson Gainza.

"Pandesal ba kamooo? Ito ang mga tunay na Kapuso hunks. Introducing the #jakjakuyas," saad ni Kuya Kim sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Pebrero 1.

Kalakip ng naturang post ang pictures nilang tatlo na naka-balandra ang kanilang mga fit na katawan na mayroong "pandesal" o abs.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang Facebook post ni Kuya Kim.

"Macho na gwapo pa 💪"

"Kuya Kim pakagat po ng kaunti sa pandesal mo."

"Masarap pag may buhok na parang balot chariz🤣😂"

"Ay iba ka kuya kim, ayaw den patalo sa pa pandesal🤣🤣🤣"

"di tlga papatalo c kuya kim😊"

"sana all hahahaha may pandesal din ako sa tyan kuya kim. nalunok nga lang hahahaha"

"Taray ni kuya kim labsn na laban 🤣"

"Hahaba po buhay nyo kuya Kim batak na batak Kayo sa pagpapaganda Ng katawan nyo at palagi Kayo nasa Gym😁"

"Margarine na lang kulang Kuya Kim Atienza. Bagay sa pandesal"

"Gnda Ng ktwan ni kuya Kim my pa pandesal pa 😅💪👏"

"kuya kim wag mo kame pinagloloko bench body ka talaga since panahon pa ni rizal hahahaha"

"mas attractive ka kuya kim kesa ky jak😁🤣"

"Buti na lang may sumbrero ka kuya kim. Muntik na kame malito kung sana si jak roberto"