Niyanig ng magnitude-6.1 na lindol ang bahagi ng Davao de Oro nitong Miyerkules ng gabi.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 6:44 ng gabi nang maitala ang pagyanig 14 kilometro hilagang silangan ng New Bataan, Davao de Oro.
Aabot sa 11 kilometro ang nilikhang lalim ng pagyanig na sanhi ng tectonic o paggalaw ng aktibong fault line malapit sa naturang lugar.Naramdaman ang Intensity V sa Nabunturan sa Davao de Oro.
Naitala naman ang Intensity III sa Kidapawan City, Cotabato; Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Bislig City sa Surigao del Sur; Intensity II sa Cabadbaran City, Agusan del Norte; Libona at Malaybalay, Bukidnon; Don Marcelino, Davao Occidental; Abuyog, Leyte; Cagayan de Oro, Misamis Oriental; Malapatan, Glan, Kiamba, Sarangani; Norala, General Santos City, Koronadal City at Tampakan, South Cotabato; Tandag sa Surigao del Sur.
Niyanig naman ng Intensity 1 na lindol ang Alamada, Cotabato; Baybay at Dulag, Leyte; Cagayan de Oro, Misamis Oriental; Maitum, Sarangani; Suralla, Santo Nino, T'Boli, at Tantangan, South Cotabato; Saint Bernard, Southern Leyte; Columbio, Sultan Kudarat; Surigao City sa Surigao Del Norte.
Binalaan din ng Phivolcs ang mga residente sa mga nasabing lugar sa inaasahang aftershocks nito.
Inaasahan na rin ng ahensya ang pinsala ng dulot ng pagyanig.