"Bonding with the Devil."

Umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens ang  Facebook post ni Shane Xye matapos siyang 'magbiro' at inilahad ang teoryang ang app na 'Bondee' ay nilikha umano ng isang "devil."

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang trending app na "Bondee" ay isa sa mga kinagigiliwan ng mga netizens ngayon dito sa Pilipinas.

Ang mga gumagamit ng bagong application na ito ay maaaring makipag-usap sa isa't isa gamit ang mga custom-made na avatar. Mayroon din silang opsyon na i-personalize ang kanilang sariling lugar, at mag-imbita ng mga kaibigan na bumisita.

Maraming aktibidad kabilang ang camping, sayawan, picnics, lounging sa sofa, at swinging kasama ang mga kaibigan, ang available sa nasabing app.

Ang mga user ay maaaring magkaroon ng mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng paglalayag sa karagatan. Maaari ring i-update ng mga kalahok ang kanilang mga kaibigan sa kanilang kasalukuyang kinaroroonan at magpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng app.

Aniya ang "Bondee" ay tumutukoy sa "Bonding with the Devil". Nagpakita rin siya ng computation para ipakita ang koneksyon sa pagitan ng nabanggit na app at ng numerong "666."

Narito ang kaniyang buong post:

"Ang bondee ay isang larong sikat ngayon sa social media dahil pwede ka ritong magcustomize ng kwarto o mga characters. nilalaro ito ngayon ng mga kabataan ngunit hindi nila alam na gawa ito sa masama.

bondee = 6 letters

6 ÷ 2 = 3

3 = 666

now pumunta naman tayo sa pangalan ng app

bond = bonding

dee = deevil

bond + deevil = bonding with the devil

kaya mga MOMMIES pakibantayan ang mga anak niyo na wag laruin ang laro na ito."

Samantalang ang banat naman ng iba ay ang app na ito ay ginagamit para sa mga 'kabit' upang hindi mahuli ng kanilang kasintahan o asawa.

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

"Rel or fek?"

"Kaya pala ang bilis sumikat nung app, auto Illuminati iyan"

"Paano naging 3 ay = sa 666 HAHAHAHA"

"yari ka HWHAHHAHAHAHAHA"

"LT HAHAHAHA"