Muling nabiktima ng international hacking group ang livestreaming account ng church-run Radio Veritas.

Ayon kay Roymark Gutierrez, Social Media Manager ng himpilan, dakong alas-6:59 ng gabi ng Enero 29 nang pasukin ng hackers ang Veritas 846 Livestream Youtube Channel at in-access ang kanilang email.

Ani Gutierrez, "Wala kaming natanggap na login notification, nalaman namin na na-hack nung 12 midnight mass nang hindi na ma-access ang Youtube channel para sa streaming ng misa gayundin sa ibang device kung saan naka-login ang email."

Kaagad naman umanong nagsagawa ng hakbang si Gutierrez kasama ang isang IT expert para mabawi ang kontrol sa kanilang YT channel subalit bigo silang ma-recover ang account dahil inalis ng hacker ang recovery method dito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa ginawa namang assessment ng eksperto, natukoy ang Internet Protocol o IP location sa bansang Russia.

Pinayuhan rin ng eksperto ang publiko na maging mapagmatyag sa paggamit ng internet lalo na sa unverified source na mga link bilang pag-iingat.

Nabatid na Enero 31, 2016 nang unang ma-hack ng international group ang Facebook Page ng Radio Veritas.

Samantala, ikinalungkot naman ni Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen ang naturang insidente.

Umapela rin siya sa mga Kapanalig na suportahan ang back up channel ng himpilan upang patuloy masubaybayan ang mga banal na misa at iba pang programa.

“In the meantime, we inform the followers of the said Youtube channel to transfer and follow our live streaming via this backup channel: VERITAS PH LIVE STREAM. We hope for your understanding and continued support to our Catholic Station in its mission of Evangelization using the Media. Let us remain steadfast in proclaiming the TRUTH amidst these trials and difficulties,” ani Fr. Bellen.