Kumakalat ngayon sa social media ang video ni dating Comelec Commissioner at P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na tila "nagwawala" siya sa kasagsagan ng Dinagsa Festival sa Cadiz City nitong Lunes, Enero 30.
Sa video na inupload ng isang Facebook user, mapapanood na tila may sinisigawang lalaki si Guanzon.
Ayon sa uploader, puwede naman daw mag-excuse kapag dadaanan pero ibang usapan na raw kapag may nasaktan dahil sa panduduro at pagsasabi ng masasakit na salita.
"To share awareness lang ni sa tanan kay di gid ni dapat i tolerate. Kun may posisyun kaman gid kaluuy ka sumulonod mo kay amo ni batasan mo pwede ta ka excuse kay ga dagsa ang tawo pero ang mang hampak kag mang tuslok sang tungkod mo lain nana nga storya ya. may nasakitan na kag mang duro² kag buyayawon mo kami ano gid ya ang gna kaon mo nga wala namun gina kaon haw?? (To share awareness lang sa lahat kasi hindi ito dapat i-tolerate. Kung may posisyon ka, kawawa ang mga taong nasasakupan mo kasi ito yung ugali mo. Pwede naman mag-excuse kasi nga maraming tao pero yung manghampas ka at mangtusok ng tungkod mo ibang usapan na yan. May nasaktan na tapos mangduduro at pagsasalitaan mo kami ng masasakit na salita. Anong pagkain ba ang kinakain mo na hindi namin kinakain? )"
"Tinulok tulok kalang sang mga kaupod mo. (Tinititigan ka lang ng mga kasama mo)"
"Maam kun gustu mo hawan dalan mo wala ka tani nag kadtu sa DINAGSA!!" (Ma'am kung gusto mo na walang sagabal at malaki ang daraanan mo, sana hindi ka na lang dumalo at pumunta sa DINAGSA.)
"P.s kuddos to cadiznon kag sa mayor katawhay kag kanami ka party. (P.S kudos to cadizon at kay mayor sa payapa at magandang party)"
Samantala, kumalat din ang video sa Twitter na kung saan tinanong ng isang Twitter user si Guanzon kung ano ang nangyari. Ani Guanzon, inapakan daw ang paa niya ng mga lasing sa sidewalk.
"Lasing sila naninigarilyo uminom sa sidewalk. Inapakan ang paa ko. sinaway ko sinigawan pa ako. Attempted to attack me. Had to defend myself with my walking cane to stop him kasi lumalapit baka sakalin ako ng gag*," sagot niya sa tweet.
Sa kaniya namang tweet, hindi raw taga Cadiz 'yung lalaking nagtangkang atakihin siya. Nagsorry naman daw pero nakangisi pa raw ito.
"Tingnan nyo ito mga hindi taga Cadiz maki fiesta pero pag lasing, violent na. This man attempted to attack me, pinigilan ng mga kasama nya. Yho de fruta ! Nag sorry pero naka ngisi ang lasing."
Samantala, sa isang replied tweet, sinabi rin ni Guanzon na hinipuan at binugbog ang pamangkin niya kaya siya nagalit.
"Hinipuan ang pamangkin ko at binugbog. Sino ang hindi magagalit ? At matapang ha, lasing na susugurin pa ako. Sana hindi sya pinigilan," aniya.