Isang 35-ft lalaking humpback whale ang inanod sa Lido Beach West Town Park sa Hempstead, Nassau County, nitong Lunes, Enero 30.

Sa ulat ng New York Post, naabutan daw ng mga tripulante sa lugar ang balyena na patay na dakong 6:30 ng umaga kahapon.

Samantala, sa lahat daw ng nakitang balyena ng mga residente roon, ito ang pinakamalaki sa lahat.

“The crews that have been here for almost two decades have never seen a whale this size.” Don Clavin ang supervisor ng Hempstead.

Internasyonal

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump

“You don’t see something like this in your lifetime, I understand that — but it’s also a really sad day here,” dagdag nito.

Isasagawa umano ng mga awtoridad ang necropsy nitong Martes, Enero 31, para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing balyena.