Matapos pag-usapan online ang nakatakdang appearance ni Bamboo sa apat na magkakahiwalay na thanksgiving concert ng Tingog Pary List, isang paglilinaw na ang ginawa ng grupo kamakailan.

Trending kamakailan ang kumalat na publicity material ng nasabing concerts na tila ang highlight nga ay ang "The Voice" coach at OPM rock icon na si Bamboo.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Apat na show kabilang na sa Cebu sa darating na Pebrero 12, sa Tagum City sa Pebrero 17, Quezon City sa Pebrero 17 at Marso 4 sa Tacloban City ang nakalinyang “Pasasalamat Concert” ng Tingog Partylist.

Basahin: ‘May bagong ika-cancel?’ Bamboo, kabilang sa ‘Pasasalamat’ concert ng Tingog, UniTeam – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Umani ng sari-saring reaksyon sa netizens at aminadong nagulat pa ang ilan sa pagkakabilang ng singer sa lineup ng kontrobersyal na party list.

Basahin: Kantang ‘Tatsulok’, trending dahil sa pagsama ni Bamboo sa ‘Tingog ng Pasasalamat’ concert – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Paglilinaw na ng Tingog, hindi konektado sa anumang politikal na partido, o tagasuporta nito, ang TV personality.

“His [Bamboo] upcoming shows for Tingog Party-List’s Pasasalamat Concert is confined merely as a guest performer and not as an endorser nor supporter of any party or person,” saad ng party list.

Wala namang tugon pa ang kampo ni Bamboo kasunod ng pinag-usapang nakatakdang guest appearance.

Taliwas din ng kaniyang upcoming shows na karaniwang makikita sa kaniyang Instagram posts, walang personal na pag-endorso si Bamboo sa concert ng Tingog Party List.