Viral ngayon ang nakamamanghang likha ni Jhanrell Cortez Dela Cruz, 22 years old mula sa Tondo, Manila, matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook account ang mga disenyo niyang isometric room.

Ang isometric room ay isang 3D na representasyon ng isang bagay, silid, gusali o disenyo na maaari kang magtayo ng mga buong kwarto, maraming palapag at i-furnish ito gamit ang iyong sariling imahinasyon.

"Madalas ko pong ginagawa mga isometric room na katulad po ng Bondee pero ginagawa ko pong Pinoy version. Minsan po umaabot ng dalawa o tatlong araw po ang isang art." kuwento niya sa Balita

Ang pagkahilig niya sa pag-gawa ng mga ganitong art ay nagsimula noong napanood niya ang 'Toy Story' sa produksiyon ng Disney Pixar na naging inspirasyon niya sa paggawa ng sining. Dahil sa pagiging mahusay, napansin siya ng mga cgi artist na nag-ttrabaho sa Pixar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Bata pa lang po ako fan na po ako ng Disney Pixar noong napanood ko po yung Toy story ginusto ko na po gumawa ng mga ginagawa nila! And thankfully po nafollow na po ako ng dalawang cgi artist na nagwowork sa Pixar."

Nagsimula siyang gumawa ng 3D artworks noong 2020 at dahil sa pagkahilig dito ay naisip niyang magtayo ng mga kuwartong Pinoy na sumasalamin sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Aniya, ginagawa ang art na ito sa pamamagitan ng application na Blender at noong lumabas ang Bondee, maraming nagsabi na katulad ito ng kaniyang mga gawa ngunit matagal na raw may isometric rooms.

Narito naman ang kaniyang mensahe sa mga kapwa artist, "Keep creating art, stay true to your vision and never stop learning and growing as an artist. There will be a time that your hard work and dedication will pay off! And last is to enjoy doing your art!"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!