Kapalit ng donasyon, pwedeng ipangalan sa “not-so-special” na ex-partner, boss, o ex-friend ang isang ipis na ipakakain sa ilang hayop sa isang zoo sa Amerika. Paano makakarating kay ex? Via digital Valentine’s Day Card.

May hinanakit sa dating partner? Ito ang nagbabalik na creative fundraising activity ng San Antonio Zoo sa Texas, ang patok na “Cry Me A Cockroach Fundraiser.”

“This Valentine’s, join in the fun by donating to symbolically name a cockroach, rodent, or veggie after your not-so-special someone!” paghihikayat ng pamunuan ng zoo sa kanilang website kamakailan.

Sa halagang donasyon mula P400 hanggang P1,400, makatatanggap ang donors ng digital downloadable Valentine’s Day Cardna nagpapakita ng suporta sa naturang programa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Si ex-someone gayunpaman ay masosorpresa naman ng isa ring digital downloadable Valentine’s Day Card ngunit ang twist, notification ito para ipaalam na isang ipis, insekto at kaning-gulay ang ipinangalan sa kanila at kalauna’y nilantakan ng ilang hayop sa naturang zoo.

Upgradable din ang donation option kung saan sa halagang mahigit P8,000, pwedeng hindi lang digital card kundi isang personalized video pa ang makararating sa “not-so-special” someone.

Noong 2022, ang mga pangalang “Jacob” at “Sarah” ang suki sa kakaibang pakulo ng zoo. Tinatayang umabot naman sa 8,000 donasyon sa nasabing taon mula sa 50 estado sa Amerika at 30 iba pang bansa ang natanggap na suporta ng programa.

Ilalaan para sa future ng zoo at wildlife sa Texas ang nalikom na halaga.

Ito na ang ikaapat na taon ng fundraising activity.