Dumipensa si dating Comelec Commissioner at P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon hinggil sa umano'y pagwawala niya sa kasagsagan ng Dinagsa Festival sa Cadiz City.

Sinagot ni Guanzon sa tweet ng isang netizen nang magtanong ito kung ano ang nangyari.

“Lasing sila naninigarilyo uminom sa sidewalk. Inapakan ang paa ko. sinaway ko sinigawan pa ako. Attempted to attack me. Had to defend myself with my walking cane to stop him kasi lumalapit baka sakalin ako ng gag*,” aniya.

'War Freak?' Rowena Guanzon, namataang 'nagwawala' sa Dinagsa Festival sa Cadiz City

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1620206952755380225

Bagama't humingi ng pasensya ang lalaki, napansin ni Guanzon na nakangisi pa ito.

“Tingnan nyo ito mga hindi taga Cadiz maki fiesta pero pag lasing, violent na. This man attempted to attack me, pinigilan ng mga kasama nya. Yho de fruta ! Nag sorry pero naka ngisi ang lasing," saad ni Guanzon sa kaniyang tweet. 

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1619914576585433088

Matatandaang kumakalat ngayon sa social media ang video ni Guanzon na tila nagwawala siya. 

Sa video na inupload ng isang Facebook user, mapapanood na tila may sinisigawang lalaki si Guanzon. 

Ayon sa uploader, puwede naman daw mag-excuse kapag dadaanan pero ibang usapan na raw kapag may nasaktan dahil sa panduduro at pagsasabi ng masasakit na salita.

BASAHIN: