Hindi matanggap ng isang Facebook user na si Go Lovelove ang pagkamatay ng kaniyang mga alagang asong sina Zion at Zera, matapos pagtulungang patayin ng mga aso ang ahas na posibleng pumasok sa bahay ng kanilang fur mom.
Ayon kay Go Lovelove, dating nasa cage umano sina Zion at Zera, nang maisip niyang gawan ito ng area kung saan makakapaglaro at makatatakbo ang kaniyang mga aso.
“Before nasa cage sila, pero I was thinking na wala silang freedom na maglaro at magtakbo-takbo, so, nagpagawa po talaga ako ng kanilang area,” paliwanag niya.
Ikinuwento rin niya sa Balita Online na hindi niya inaasahang puwede palang pumasok sa tubo ng tubig ang ahas. Dagdag pa niya, ang alaga niyang si Zion ang unang nakapansin sa ahas.
Aniya sa Facebook post, “As you can see sa CCTV, natutulog po sila sa area, but Zion noticed the snake.”
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang furparent at ang ilan din sa kanila ay kinabiliban ang dalawang bayaning aso.
Narito ang ilang komento ng netizens:
“I’m so sorry for your loss Love, iniligtas talaga kayo ng mga aso niyo.”
“Naiiyak po ako ma’am, rest in peace mga fallen heroes.”
“That is how important to have cats and dogs in our house, cats for any wild animal threats and dogs for any thieves and human invaders.”
“Sorry for your loss, truly dogs are man’s best friend. Fly high heroes!”
“Unexpected talaga yung mga ganitong sitwasyon.”
“Grabe ang sakit! Niligtas kayo ng mga aso, pero sila ‘di na nakaligtas.”
“ka-brave ng mga doggie, pinoprotektahan po talaga kayo na ‘di sila makapasok sa bahay niyo.”
“Ganiyan din nangyari sa aso ko, pinatay niya yung cobra pero napatay din po siya.”
Sa kabilang banda, may mga nagsabi ring dapat daw ay itinakbo na kaagad sa pinakamalapit na beterinaryo ang mga aso upang nabigyan ng anti-venom vaccine, lalo't ang kinagat nila ay ang bahaging makamandag ng napatay na ahas.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!