Siya na ngayon ang first lady mo, kaya lagi mo siyang uunahin sa lahat, at iingatan mo. Gaya ng sabi ko sa’yo…”

Marami ang naantig sa mensaheng ipinost ni Shirley Cacho mula sa Cainta, Rizal, para sa kaniyang anak na si Elmer na ikinasal na.

“Na-miss na agad kita anak, 2 days ka pa lang wala sa bahay, pinilit kong ‘wag umiyak sa araw ng kasal ninyo pero nang kinuha mo na mga gamit mo kinabukasan, di ko na mapigil ang luha ko, sumabay pa si papa, imbis na patahanin ako.

“Love you ‘nak. Pasalamat naman ako sa Diyos at nakapag-asawa ka ng mabait at maalaga.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“Siya na ngayon ang first lady mo, kaya lagi mo siyang uunahin sa lahat, at iingatan mo. Gaya ng sabi ko sa’yo, si LORD ang sentro ng pagbuo mo ng bago mong pamilya,” pahayag niya sa kaniyang post kalakip ang larawan nilang mag-ina noong araw ng kasal.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Cacho na apat daw ang kaniyang anak at panganay raw ang kinasal na si Elmer. Sobrang close daw silang pamilya kaya ganoon na lamang ang pangungulilang naramdaman niya nang araw na bubuo na ng sariling pamilya ang panganay niya.

Hindi naman daw niya akalain na maraming ina at anak na makaka-relate sa post niya.

“Di ko pa nga tinapos ‘yun kaya parang bitin message ko kasi panay tulo ng luha ko,” ani Cacho.

Sa ngayon ay sa Sta. Mesa raw nanunulayan ang kaniyang anak kasama ang kabiyak nito habang tinatapos pa ang pinapagawang bahay sa Rizal.

Ayon pa kay Cacho, sa gitna man ng pangungulila bilang isang nagmamahal na ina, hahayaan at susuportahan daw niya ang kaniyang anak na lumago kasama ang magiging bago nitong pamilya.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!