LAGUNA – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawa sa most wanted person sa lalawigan noong Lunes, Enero 30.

Sinabi ng Laguna Police Provincial Office (PPO) na ang unang operasyon ay nakahuli kay alyas Denver Rejada sa San Pedro City.

Inaresto ang akusado sa bisa ng arrest warrant para sa robbery na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 108 sa Cabuyao City, na may inirekomendang piyansang P100,000.

Sa hiwalay na operasyon, nahuli ng Biñan City Police Station (CPS) si alyas Amador, na mayroong standing arrest warrant dahil sa paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang warrant of arrest ay inilabas ng RTC Branch 155 sa Biñan City, na may inirekomendang piyansang itinakda sa P180,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng police operating units ang mga naaresto.

Sa isang pahayag, kinilala ni Laguna PPO Director Colonel Randy Glenn G. Silvio ang tiwala at pakikipagtulungan sa pagitan ng pulisya at mga concerned citizen na nag-uulat ng impormasyon tungkol sa mga wanted person.

Carla Bauto Deña