Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay nitong Martes, Enero 31, ang kanyang pagkadismaya matapos na arestuhin ng mga operatiba ng pulisya ng lungsod ang dalawang empleyado ng city hall at ang kanilang kasamahan dahil sa umano'yfixing activities.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilfreda de Leon, 59, nagtatrabaho bilang Administrative Assistant II; Merlin Balbuena, 46, empleyado sa ilalim ng Sanitary Section ng Makati Health Department; at Aishen Mana-ay, 27.

Sinabi ni Makati police chief Col. Edward Cutiyog na nakatanggap ang kanyang tanggapan ng impormasyon mula sa city hall hinggil sa illegal transaction activities ng mga empleyado nito sa ilalim ng Makati Business Permits and Licensing Office (BPLO).

Bago ang pag-aresto sa mga suspek, isang opisyal ang nagpanggap na isang babaeng negosyante na nangangailangan ng tulong sa pagproseso ng business permit at nakipag-ugnayan kay Mana-ay sa pamamagitan ng text.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi sa kanya ni Mana-ay na ipoproseso niya ang mga dokumento at hiniling sa undercover na opisyal na magbayad ng P500 para sa pagproseso. Arestado ang suspek sa entrapment operation.

Sa interogasyon, inihayag niya na inutusan siyang tanggapin ang pera para kay De Leon.

Pagkatapos ay inaresto si De Leon sa isang follow-up operation sa Makati City Hall Building 2.

Narekober ng pulisya ang isang P500 bill, 88 piraso ng P1,000 entrapment money, tatlong piraso ng P500 boodle money, at isang mobile tablet.

Sa kabilang banda, si Balbuena ay nasakote sa magkahiwalay na entrapment operation sa harap ng isang convenience store sa J.P. Rizal Avenue matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa mga fixer na nagtatago sa labas ng Makati City Hall Building 2.

Humingi umano si Balbuena ng P600 kapalit ng mas mabilis na pag-iisyu ng health certificate.

Sinabi ni Cutiyog na nasamsam ng mga awtoridad ang isang P1,000 bill, 49 na piraso ng P1,000 boodle money, at 41 accomplished health certificates.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Bukod sa mga kasong kriminal, hindi na matatanggap ni De Leon, na isang regular na empleyado ng pamahalaang lungsod, ang kanyang mga benepisyo.

Hinikayat ni Binay ang mga residente at may-ari ng negosyo na iulat ang anumang ilegal na aktibidad sa lokal na pulisya para sa tamang imbestigasyon.

“The city government will not tolerate fixers. We will continue to aggressively implement our anti-red tape initiatives to ensure that all transactions with the government are done in a transparent and fair manner,” ani Binay.

“We will continue to pursue these operations to ensure that our citizens receive the services that they need without having to go through the hassle of dealing with fixers,” dagdag niya.

Patrick Garcia