Umaabot sa mahigit₱96.9 milyon ang halaga ng mandatory contribution na ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa tatlong institusyon sa bansa.

Mismong si PCSO General Manager Melquiades Robles ang nanguna sa pamamahagi o turnover ng mga tseke ng Mandatory Contributions ng PCSO para sa Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at Philippine Air Force (PAF), sa PCSO Executive Office, 4th Floor ng Sun Plaza Building, Mandaluyong City nitong Lunes.

Nabatid na ang PAF ay tumanggap ng halagang₱63,623,000 mandatory contribution mula sa PCSO.

Nasa₱33,163,121.30 naman ang natanggap ng CHED habang ang PSC ay nabahagian naman ng₱136,371.09.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Laking pasalamat naman ng mga naturang institusyon sa PCSO dahil sa ipinagkaloob na tulong sa kanila.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang PCSO na magagamit ng naturang mga institusyon ang nasabing pondo upang mapalawig ng mga benepisyaryo ang kanilang mga programang pangmedikal para sa kanilang mga nasasakupan.