Muli na namang naglabas ng mga pasabog na rebelasyon ang talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino, sa pagkakataong ito, ay tungkol sa nanalong Miss Planet International na ginanap sa Cambodia.

Ang nagwagi sa naturang pageant ay kandidata ng Pilipinas na si Maria Luisa Varela.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inilabas ni Wilbert ang pasabog na "binayaran" umano ang pagkapanalo ng kandidata, sa pamamagitan ng screenshots.

"Hello mga Marites ng Pilipinas! Marami nagre-request sa akin maglabas ako ng statement tungkol sa Miss Planet Philippines National Director ng period ko. eto na ang perfect timing na statement ilalabas ko!," aniya sa kaniyang Facebook post.

"So, eto na nga mga Marites, huwag po muna tayo magdiwang sa pagkapanalo ng Miss Planet Philippines sa International stage ng MPI."

"FYI lang po guys, bayad po ang korona ang napanalunan ng Miss Planet Philippines at alam na niya final question. Bago siya lumipad ng #Cambodia para sumabak ng MPI."

Ang nanalong tinutukoy niya ay nagngangalang Maria Luisa Varela.

"Ate Girl (Maria Luisa) lumaban ka ng patas kawawa din mga co-candidate mo at nag-eeffort din sila para sa pageant sinalihan nila at mag-travel pa sila patungong #Cambodia."

Hindi lang si Varela ang sinoplak ni Wilbert kundi ang National Director ng pageant na si Miki Antonio.

"Deserve mo etong post ko. Dahil bukod sa pa- bypass n'yo sa akin ng kupal mong National Director si Miki Antonio. Wala pa rin kayong modo at sobra kayong mabastos at kayo pa galit-galitan."

"You must at least mag pasintabi or courtesy call sa akin kung may pangarap ka maging beauty queen baka ma-consider ko pa at gawan pa kita release paper agad-agad. Sana iniisip n'yo rin yan bago kayo sumabak sa #Cambodia kung meron ba kayo matatapakan ng tao…"

"As National Director for Ms Planet in the Philippines, I would like to clarify that no replacement has been made. The Philippines will not send any representative to Ms. Planet competition this year," giit pa ni Wilbert.

Matatandaang ang sasabak sana sa naturang pageant ay si Kapuso actress Herlene "Hipon Girl" Budol, subalit nagkaroon ng problema sa pamunuan noong nasa Uganda na sila.